Huwebes, Setyembre 18, 2008

PAKIKIPANAYAM (Pag-iinterbyu)

Kapag mag-iinterbyu ka na...


1.

GALANGIN ang KAKAPANAYAMIN

Magpaalam nang maayos sa kapapanayamin.

Ipakilala ang sarili at ang ginagawa mong dokumentaryo.

Maging magalang sa pakikipag-usap.


2.

MAGTANONG nang MAKAPAGPAPALABAS ng KATOTOHANAN

Alamin ang tiyak na impormasyong kailangan sa kakapanayamin.

Maglista ng mga tanong na magpapalabas ng impormasyong ito.

Iwasan ang pagtatanong nang mahaba; pasalitain ang kapanayam.

Iwasan ang pagtatanong ng masasagot ng oo o hindi;

magtanong ng kailangan ng mahabang sagot.

Maging handa kang magtanong ng nakaiilang itanong

ngunit maging magalang pa rin sa pagtatanong.


3.

IHANDA ang KUHA at TUNOG.

Tiyaking may sapat kang baterya at teyp/memorya.

Kung maaari, gumamit ng background na may sinasabi

ukol sa paksa o sa kapanayam.

Kung maingay ang lugar, ilapit ang mikropono sa kapanayam

o kabitan ang kamera ng ibang mikropono.



KATAPATANG INTELEKTWAL

KATAPATANG INTELEKTWAL

Ipinagpapalagay sa dokumentaryo na
sarili mong kuha
ng aktwal na pangyayari
ang mapapanood.

Kung iba ang kumuha, ilagay sa mismong kuha ang pinanggalingan.
Kung pagsasadula ang gagawin, ilagay din ito sa mismong kuha
Kung isang nilikhang sitwasyon ang makikita, ipaliwanag sa pamamagitan ng binigkas o nakasulat na salita.

Etika sa Paggawa ng Dokyu

May mga nagtatanong kung bakit may "bawal ipakita" sa mga dokyu.

Sa tingin ko kailangan lang ng pananaw na nakakikita sa mas malaking larawan.

1
Ilang tanong na puwedeng pag-isipan:
> Kailan nagiging tsismis ang impormasyon?
> Kailan nagiging paninirang-puri ang datos?
> Ano ang mas matimbang: dignidad ng tao o impormasyon?
> Bukod sa pagpapamulat, may iba pa bang magiging epekto sa komunidad ang pagbubunyag?

2
Puwede ring pagmunihan ang Code of Ethics for Journalists sa


May mga sinasabi rito ukol sa:
> Tamang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon
> Tamang motibasyon sa pagkuha ng impormasyon
> Interes ng publiko--tungkol ito sa mga gawain ng gobyerno

3
At huli, kung ipinagbabawal ng mga patakaran ng PALIG ang anumang kuha,
mababawasan ng 2 ranggo ang dokyu mo kung gumamit ka nito!  

Sayang naman! E bakit pa kasi may ganoon?
Baka kasi nakita na ng mga gumawa ng patakaran ang mas malaking larawan.


Ano ang Panalong Dokyu?

Sa totoo lang, sa kahit anong paligsahan,
panlasa ng mga hurado ang nasusunod.

Pero kung ako ang hurado,
ito ang mga hahanapin ko.

1. Maayos ang teknikal na aspeto.
Matino ang tunog, naririnig ang mga sinasabi, hindi masakit sa tenga.
Matino ang mga kuha, hindi kailangang sobrang ganda, basta hindi sablay.

2. Mahalaga ang tesis.
Importante sa akin at sa komunidad ang pinag-uusapan.
Kung puwede, mabago niya ang buhay ko, kundi man ang isip ko.

3. Maraming astig na patunay.
Ang dapat gayahin dito Super Size Me--
ang daming nang patunay, iba-ibang klaseng dokumento,
interesante pa lahat, at masarap pag-usapan kahit pagkatapos ng dokyu.
Isipin mo, french fries na hindi nabubulok!

4. Bago.
May bagong sinasabi o paraan ng pagsasabi ng mga bagay.
Iba pa rin kapag ikaw ang nauna sa isang bagay.
Tulad ng "38 Paghahanap".
Nauna siya sa ganoong klaseng pagkuha at pag-eedit kaya astig.
Kapag ginawa mo uli 'yon, baka hindi na kasing-astig.

5. Malakas ang Dating.
Sa huli, ito ang pinakamahalaga at baka mas matimbang o nililikha ng lahat ng naunang aspeto.
Kapag may tama sa madla, at lalo na sa hurado, 'yun na 'yon.
Kapag natawa sila, naiyak, napaisip, o nagkaroon ng plano dahil sa ginawa mo, tapos na ang boksing.
Ang taong "transforming difference" ay hindi lang iyong matalino, kundi iyong nakakukumbinsi sa iba, tumatalab, mataas sa Ugnay.

Sana makatulong.
Pagpalain kayo ng Diyos sa ginagawa ninyo.
Hindi rin makasasamang makinig sa gusto Niyang sabihin ninyo.

Lunes, Setyembre 15, 2008

KASAYSAYAN ng DOKYU

Mga hindi ko maituro sa klase...
kaya dito na lang.

Sa pagkarami-raming dokyung mapapanood mo sa internet, silipin mo ang mga ito. I-copy-paste mo na lang ang URL sa address bar mo. Nahihirapan pa akong gumawa ng links sa blogger e. Paturo kung alam mo kung paano.

1
Ang mga unang pelikula, mga dokyu.
Ang isa sa unang gumawa ng pelikula, ang magkapatid na Lumiere.
http://www.youtube.com/watch?v=4nj0vEO4Q6s

2
Isa sa mga unang naisip nilang gawin:
dalhin sa malalayong lugar ang manonood.
Ito dokyu tungkol sa mga eskimo,
naroon talaga siya pero "pinakialaman" na niya ang katotohanan
para ipakita ang mas makalumang kultura ng lugar.
http://www.youtube.com/watch?v=cLERFRQl5EY

3
Ito naman pagkuha ng mga pang-araw-araw na eksena.
Idinaan sa musika at pag-eedit ang pagkadokumentaryo.
http://www.youtube.com/watch?v=AInQ1x5_r3o

4
Ito naman halimbawa ng propaganda
tungkol pa talaga kina Hitler.
Halimbawa ng dokyu na nauuna ang paninindigan sa pagsasaliksik.
May komentaryo na wala pang dokumento.
http://www.youtube.com/watch?v=BddVfcQX-v4

5
Cinema Verite.
Totoong pelikula.
Isa sa pinakaastig tungkol sa
karaniwang araw ng isang grupo ng mga estudyanteng hayskul.
Ang pamagat "High School" (1968).
Di ko pa mahanap sa YouTube.
Pero gets mo na siguro.
Ito nasa YouTube. Docu tungkol sa pagpunta ng mga tao sa
Woodstock 1969 para mapanood si Jimi Hendrix.
Matalinghaga 'yan. Seryoso.
http://video.google.com/videoplay?docid=-3981364972665945187&ei=BGvOSIr7H4iowgPEiZn8Dw&q=jimi+woodstock

6
Ito mga bagong klaseng dokyu.
Super size me, isa sa mga nagbalik ng dokyu sa mainstream.
http://www.youtube.com/watch?v=V168xofxgu0

7
Ito huwaran ng pagkukuwento sa dokyu.
Dokyu na pinapanood namin noong kinder pa kami.
Di namin alam primera klaseng dokyu pala.
Naiiyak na ako dito ngayon. Hehe.
http://www.youtube.com/watch?v=9O-Q5vJ-GHk

Sana nakatulong.
Sigurado kahit papaano lumawak na ang pananaw mo sa dokyu.
Hala, gawa!

Ginamit kong gabay ang artikulo sa Wikipedia tungkol sa Documentary Film.
http://en.wikipedia.org/wiki/Documentary_film