Kapag mag-iinterbyu ka na...
1.
GALANGIN ang KAKAPANAYAMIN
Magpaalam nang maayos sa kapapanayamin.
Ipakilala ang sarili at ang ginagawa mong dokumentaryo.
Maging magalang sa pakikipag-usap.
2.
MAGTANONG nang MAKAPAGPAPALABAS ng KATOTOHANAN
Alamin ang tiyak na impormasyong kailangan sa kakapanayamin.
Maglista ng mga tanong na magpapalabas ng impormasyong ito.
Iwasan ang pagtatanong nang mahaba; pasalitain ang kapanayam.
Iwasan ang pagtatanong ng masasagot ng oo o hindi;
magtanong ng kailangan ng mahabang sagot.
Maging handa kang magtanong ng nakaiilang itanong
ngunit maging magalang pa rin sa pagtatanong.
3.
IHANDA ang KUHA at TUNOG.
Tiyaking may sapat kang baterya at teyp/memorya.
Kung maaari, gumamit ng background na may sinasabi
ukol sa paksa o sa kapanayam.
Kung maingay ang lugar, ilapit ang mikropono sa kapanayam
o kabitan ang kamera ng ibang mikropono.