Sa totoo lang, hindi totoo ang pamagat nito.
HINDI ka dayuhan sa dokyu. Ang totoo, napakapamilyar nito sa'yo. Napapaligiran ka nito kahit baka hindi mo pa namamalayan.
ANO ANG DOKYU?
Para sa akin, kahit anong bidyo na naglalayong kunan ang katotohanan.
ANO ANG MGA HALIMBAWA NITO?
balita
MTV na tungkol sa bandang kumakanta
reality tv
cooking show
slideshow na may musika tungkol sa bagong-kasal o sa klase ninyo
"we just got a letter" sa blues clues
at siyempre, ang walang-kamatayang YouTube.
ANO ANG PAGKAKAIBA-IBA ng DOKYU?
Bukod sa paksa, ang pinakamalaking pagkakaiba-iba ng dokyu ay kung gaano ito katapat sa katotohanan. Hindi kasi maiiwasang makialam ka bilang gumagawa ng dokyu. Pero saka na natin pag-usapan 'yun.
Samantala, homework:
1. Sikaping makilala ang mga dokyung nasa paligid mo.
2. Pag-isipan mo na kung paano ito ginagawa.
Sige. Hanggang sa muli.
Biyernes, Agosto 22, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento